Danica Flores Magpantay is Super Model of the World 2011. She is the first Filipina to win the contest. Former Miss International join the contest in 1986 and won first runners-up to this contest which was won by Canada. Last year Philippines was first runner up again. The 17 years old Filipina called her mother after declared as a winner. She won $250,000 modelling contract.
Here is the news from Yahoo.com:
Toast of the town si Danica Flores Magpantay.
Ang 17-year-old daughter ng 1990 Supermodel of the World - Philippines winner, Lala Flores, ang idineklara ng Ford Models bilang winner ng 2011 Supermodel of the World.
Danica is a B.S. Fine Arts student major in Visual Communication at the University of the Philippines in Diliman. Siya ang pinakabata at kauna-unahang Pilipina na nanalo sa prestigious modelling contest ng Ford Models.
Bukod sa title na Supermodel of the World, tatanggap si Danica ng $250,000-modelling contract mula sa sikat na modelling agency sa buong mundo.
August 2010 nang magdesisyon si Danica na subukan ang modeling at sinuportahan ito ng kanyang mga magulang.
Nag-enroll siya sa Masters School for Models at dito siya natuto ng wastong paglalakad at body posture.
Ang mga mentor ni Danica ang nagkumbinsi sa kanya na sumali sa Supermodel of the Philippines contest noong nakaraang taon at siya ang pinalad na manalo. Kasali rin sa contest ang kanyang kapatid na si Danielle.
Si Eileen Ford ang founder ng Ford Models. Noong 1980, tinatag niya ang Supermodel of the World Contest para makatuklas ng mga bagong modelo para sa fashion industry.
Face of the '80s ang dating pangalan ng modelling contest ng Ford Models. Ang former Miss International na si Melanie Marquez ang unang Filipina na sumali sa Face of the '80s noong 1986 at siya ang tinanghal na first-runner up kay Monica Schnarre ng Canada.
Kabilang din sina Charo Ronquillo at Charlene Almarvez sa mga Filipina models na sumali sa Supermodel of the World. Si Charo ang 3rd runner-up sa 2006 edition ng contest at si Chat ang 1st runner up noong 2010.
Taon-taon, limampung modelo mula sa iba't-ibang bansa ang sumasali sa Supermodel of the World Contest, dahil bukod sa malaking premyo ($250,000 modeling contract sa Ford Models para sa grand winner, and $150,000 at $100,000 respectively, para sa mga runners-up), naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng contest para matupad ang kanilang pangarap na ma-penetrate ang international fashion industry.